Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis kumalat ang usok sa gusali kaya kinailangang ilikas ang mga pasyente na kinabibilangan ng mga ina at mga bagong silang nilang sanggol.
Aabot sa 66 na mga bagong silang na sanggol na nasa Newborn Intensive Care Unit ng Ospital ang inilikas at dinala sa Department of Pediatrics Building.
Habang ang kanilang mga ina ay dinala muna sa Mother’s ward ng ospital.
Ayon kay fire inspector Beverly Grimaldo ng Bureau of Fire Manila, electrical fire ang pinagmulan ng apoy sa loob ng elevator sa second floor alas 11:23 ng gabi.
Hindi naman na umabot sa pagtaas ng alarma ang sunog dahil mabilis din itong naapula.
Kaninang madaling araw ay naibalik na ang mga pasyente sa kani-kanilang lugar, matapos makapagsagawa ng inspeksyon ang mga bumbero at maideklarang ligtas na silang bumalik.
Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.