Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (March 16), pumalo na sa 631,320 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 57,736 o 9.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,437 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
92.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.0 porsyento ang asymptomatic; 0.68 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 11 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,848 o 2.04 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 166 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 560,736 o 88.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.