Kaso ng COVID-19 sa Maynila, tumaas pa

Karagdagang 338 ang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Martes ng tanghali (March 16), sumampa na sa 31,529 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,846 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 282 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 265 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 166 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 28,852 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 831 pa rin ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...