PPA, ipinag-utos ang istriktong pagpapatupad ng health protocols sa mga pantalan

PPA Facebooo photo

Kasunod ng direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade, ipinag-utos ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago sa lahat ng tauhan, opisina at pantalan na mahigpit na ipatupad ang safety protocols laban sa COVID-19.

Nagbaba ng direktiba si Santiago sa lahat ng pinuno ng Head Office Responsibility Centers at Port Management Offices na maging maayos ang implementasyon ng health protocols sa kani-kanilang nasasakupan.

“As part of PPA’s continuing efforts to stem the transmission of COVID-19 virus and to protect the health and safety of PPA personnel, port users, and the general public, you are directed to consistently and strictly observe, monitor, and implement in your respective area of responsibility the relevant health and safety protocols contained in PPA issuances, as well guidelines issued by the Department of Transportation (DOTr) and the Department of Health (DOH),” pahayag ni Santiago.

Pinatututukan din nina Tugade at Santiago sa PPA personnel na i-monitor ang port users kung sumusunod sa minimum health protocol.

Ipinaalala rin nito na dapat ituloy ang pagtalima sa tinatawag nilang ‘Seven Commandments in Public Transport’ sa lahat ng pantalan at sasakyang-pandagat sa bansa.

Kabilang sa ‘Seven Commandments in Public Transport’ ang pagsusuot ng face masks at face shields; body temperature checking; maayos na ventilation ng Passenger Terminal Buildings (PTBs) at mga opisino; disinfection sa PTBs at PPA offices; paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol at sanitizers; pagharang sa PPA personnel, pasahero, at port users na may sintomas ng COVID-19; at social distancing.

Read more...