Mga militanteng mambabatas, umalma sa pahayag ni Pangulong Duterte na “maliit na bagay” ang COVID-19

Photo grab from PCOO Facebook video

Hindi dapat tingnan ni Pangulong Duterte bilang “maliit na bagay” ang pagdurusa ng mga tao dahil sa COVID-19 pandemic.

Paalala ni ACT Teachers PL Rep. France Castro sa Pangulo, libu-libo ang nasawi habang apat na milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya, idagdag pa ang mga kabataang hirap sa kasalukuyang sistema ng edukasyon.

Binigyang diin ni Castro na nagdurusa ang buong bansa dahil sa COVID-19 na pinalala pa ng aniya’y mga palpak na polisiya ng adminsitasyon.

Wala na rin umanong dating sa mga tao ang walang lamang pananalita na “huwag matakot, hindi ko kayo iiwan” dahil ang kailangan ngayon ay konkretong mga plano at aksyon, lalo na ang mabilis na rollout ng bakuna.

Para naman kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, ang pagmaliit ng Pangulo sa health crisis ay insulto sa mga namatayan, nagkasakit at patuloy na naghihirap dahil sa COVID-19.

Hindi na rin aniya siya nagtataka na balik sa umpisa ang Pilipinas isang taong makaraang ipatupad ang lockdown.

Read more...