103 pang kaso ng COVID-19, naitala sa hanay ng pulisya

Aabot sa 103 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (March 15), 12,343 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 918 ang aktibo pang kaso.

74 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 11,391 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 34 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...