Anakalusugan Rep. Defensor nagpositibo sa COVID-19

Inanunsyo ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na nag-positibo siya sa COVID-19. Ayon kay Defensor, dalawang linggo na ang nakalilipas nang magpositibo siya sa sakit. Bukod sa kanya, pitong kasamahan niya sa bahay kabilang ang kanyang son-in-law ang nagpositibo sa COVID-19. Sinabi ni Defensor na asymptomatic naman siya. Sila ay nag-quarantine, uminom ng gamot at vitamins at nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa kanilang sitwasyon. Sa ngayon, nasa maayos na siyang kalagayan at kailangan na lamang ng confirmatory test na negatibo na siya sa COVID-19 bago siya makalabas muli.

Read more...