Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,672,204 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 548,013.
Sumunod na rito ang Brazil na may 279,602 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 194,944 naman ang death toll sa Mexico habang 158,892 ang napaulat na nasawi sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 125,580
– Italy – 102,499
– Russia – 92,494
– France – 90,762
– Germany – 74,115
– Spain – 72,424
– Iran – 61,330
– Colombia – 61,243
– Argentina – 53,836
– South Africa – 51,421
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 120,773,904 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 97,418,471 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.