Video ng paagaw ng pera ni DPWH Dir. Tan isinumite sa Ombudsman

 

Hawak na ngayon ng Ombudsman ang video na sinasabing magpapatunay sa pagpapaagaw ng pera sa birthday party ni DPWH Ilocos Region Director Ronnel Tan.

Ang video ay gagamitin ebidensiya sa mga kasong isinampa laban kay Tan ni Coun. Arkie Yulde, ng Lopez, Quezon.

Sinasabi na posibleng umabot sa P2 milyon hanggang P3 milyon ang ipinaagaw na pera ni Tan.

Bunga nito, hiniling na rin ni Yulde na magsagawa ng lifestyle check kay Tan dahil sa maramgya nitong pamumuhay.

Ang inireklamong opisyal ay mister ni Quezon Province 4th District Rep. Helen Tan, na nasangkot din sa ilang kontrobersya.

Itinanggi na ni Tan ang pagpapaagaw ng pera sa kanyang party, ngunit sinabi ni Yulde matibay ng ebidensiya ang video at mga larawan.

Sa pagsagot ni Tan sinabi nito na ang kanyang birthday paety ay iainagawa sa kanilang bahay sa Metro Manila at hindi sa kanilang bayan sa Quezon.

Inireklamo ni Yulde si Tan sa Ombudsman ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa
Code of Conduct & Ethical Standards of Public Officials and Employees at paglabag sa Local Government Code.

Read more...