Aabot sa 1,449 indibidwal ang naaresto sa Metro Manila dahil sa paglabag sa unified curfew.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), pinakamaraming nahuli sa Maynila na mayroong 1,139 violators.
Ipinatutupad ang unified curfew ng 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga sa Metro Manila. Nagsimula ito ng Marso 15 at tatagal ito ng dalawang linggo
Aabot naman sa 547 curfew violators ang binigyan ng warning lamang at pinauwi rin.
Nabatid na mahigit 8,000 pulis ang ipinakalat sa Metro Manila para magpatupad ang unified curfew.
MOST READ
LATEST STORIES