Skyway Stage 3 hindi na isasara

Hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang pagsasara sa Skyway Stage 3.

Ito ang kinumpirma ni SMC president Ramon Ang sa INQUIRER.net.

Una rito, sinabi ng SMC na isasara ng indefinitely ang Skyway Stage 3  simula sa Marso 16 dahil na rin sa utos ng Toll regulatory Board.

Ipinasasara ang Skyway dahil sa isyu ng toll collection.

Pero paglilinaw ng TRB, walang utos ang kanilang hanay na isara ang Skyway.

Binuksan ang 18.3 kilometrong Skyway Stage 3 noong Disyembre 28, 2020.

Nasa Buendia hanggang Balintawak ang Skyway Stage 3 at nag-uugnay sa South Luzon Expressway (SLEx) at North Luzon Expressway (NLEx).

 

READ NEXT
Read more...