Complete lockdown ng Senado, idineklara ni Senate Pres. Vicente Sotto III

Inanunsiyo ni Senate Presidents Vicente Sotto III ang ‘complete lockdown’ sa Senado kasabay ng unang anibersaryo ng deklarasyon ng lockdown sa buong Luzon dahil sa COVID-19.

Ang hakbang ay bunsod ng dumadaming bilang ng mga kawani ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso na tinatamaan ng nakakamatay na sakit.

Bukod dito, ang pag-lockdown din ng ilang tanggapan ng Senado.

Ginawa ni Sotto ang deklarasyon matapos suspindehin ang sesyon.

Suspendido ang sesyon sa Martes, March 16, at magbabalik na lang sa Miyerkules, Marso 17.

Samantala, ang mga naka-schedule ng pagdinig sa Martes ay maaaring isagawa ‘virtually.’

Magsasagawa ng sanitation and disinfection sa buong gusali ng Senado base sa abiso ni Senate Sec. Myra Villarica.

Read more...