Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Naramdaman ang magnitude 4.8 na lindol sa Davao Oriental.

Sinabi ng Phivolcs na tumama ang lindol sa 22 kilometers Northwest ng Caraga dakong 9:10 ng gabi.

May lalim itong 12 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa Caraga at mga kalapit na lalawigan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...