Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 23 kilometers Southwest ng Iba.
Naramdaman ang lindol dakong 7:20 ng gabi.
May lalim itong 26 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 4 – Iba, Botolan, Cabangan and San Felipe, Zambales
Intensity 3 – Olongapo City, San Antonio, San Marcelino, San Narciso, Palauig and Subic, Zambales; Floridablanca, Pampanga;
Intensity 2 – Candelaria, Masinloc and Santa Cruz, Zambales; Mabalacat City, Pampanga; Makati City; Malabon City; City of Manila; Quezon City; Villasis,
Pangasinan;
Nakapagtala rin ng instrumental intensities sa sumusunod na lugar:
Intensity 2 – Guagua, Pampanga
Intensity 1 – Calumpit, Bulacan; Marikina City; Quezon City; San Jose City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang lindol.