Napauwing overseas Filipinos sa bansa, nasa 387,606 na – DFA

Tuloy pa rin ang repatriation efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng pandemya dahil sa COVID-19.

Sa huling tala hanggang March 15, 2021, umabot sa 387,606 overseas Filipinos ang napauwi sa repatriation efforts ng kagawaran.

Sa nasabing bilang, 103,346 ang seafarers habang 284,260 naman ang land-based overseas Filipinos.

Sa nagdaang linggo, 6,957 overseas Filipinos ang nakabalik ng Pilipinas.

Kabilang dito ang ilang distressed overseas Filipinos sa Singapore, Turkey at United Kingdom.

May mga napauwi ring undocumented overseas Filipinos mula sa Bahrain, Malaysia, China, Cambodia, Oman, Thailand at Vietnam.

Balik-Pilipinas na rin ang medical repats sa Pakistan, Japan at Russia.

Siniguro ng kagawaran na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga Filipino na stranded sa ibang bansa dahil sa COVID-19 travel restrictions.

Read more...