Sa desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nakitaan ng sapat na batayan para kasuhan si Mendoza dahil sa illegal na pagbili ng diesel fuel noong taong 2010 na nagkakahalaga ng P2.4 million.
Ayon sa Ombudsman, ang nasabing halaga ng krudo ay binili ni Mendoza sa gasoline station na pag-aari ng kaniyang ina.
Sa record ng Ombudsman, inaprubahan ni Mendoza ang pag-release ng P2.4million mula sa pondo ng lalawigan para bayaran ang 49,526.72 liters ng krudo na ginamit sa isang road grader at apat na dump trucks para sa two-day road rehabilitation projects.
Ayon sa Ombudsman, walang isinagawang public bidding para sa pagbili ng krudo at sa halip ay binili ito sa gas station na pag-aari ng nanay ni Mendoza.
Katwiran ng gubernadora, tanging ang “Taliño Shell Station” lamang ang pumayag sa hiling na “credit term” ng provincial government.
Pero ayon sa Ombudsman, pinalabas umano na ginamit sa proyekto ng provincial government ang mga biniling krudo, pero ang totoo, mahigit 500 litro lamang ang nagamit sa road maintenance project sa bayan ng Magpet habang ang natirang pera na inilaan sa proyekto ay ibinulsa lamang.
Tatlong bilang ng kasong paglabag sa Section 3(e) nmg Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) ang isasampa ng ombudsman laban kay Mendoza.