Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, nasa 1,673

Karagdagang 361 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (March 15), sumampa na sa 31,190 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,673 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 254 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 236 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 235 residente naman ang bagong gumaling at pito ang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 28,686 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 831 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...