Ayon sa mga rumespondeng tauhan ng barangay, nadatnan nilang nakatagilid ang sasakyan na may plate number LRR 111 alas 2:50 ng madaling araw kanina (Biyernes).
Narinig nilang humihingi ng tulong ang driver na nasa loob ng sasakyan kaya agad nila itong tinulungang makalabas.
Kinailangang basagin ang bintana ng kanang pintuan sa front seat ng SUV para mailabas ang driver na kinilalang si Sarah Grace Ranay, 28-anyos at taga-Quezon City.
Ilang minuto matapos siyang mailabas ng SUV ay nagliyab na ang sasakyan.
Agad namang isinugod sa Manila Doctors Hospital si Ranay para magamot sa tinamong pinsala sa kaniyang katawan.