Ayon kay Enrile, dapat naging maagap ang pangulo sa pagtungo sa Kidapawan upang mamahagi ng mga bigas sa mga nagra-rally na magsasaka.
Sa pamamagitan aniya nito, natukoy sana agad kung lehitimong protesta ng gutom ang hinaing ng mga magsasaka o may grupong nais lamang samantalahin an sitwasyon upang manggulo.
Dahil aniya sa kawalan ng aksyon ng pangulo lalo lamang nalugmok ang kandidatura ng kanyang kandidato na si Mar Roxas.
Samantala, sinabi naman ni Vice President Jejomar Binay na dapat ay tinugunan ng malasakit sa halip na karahasan ang sitwasyon ng mga magsasaka sa North Cotabato.
Pinagpapaliwanag naman ni Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., si Agriculture Sec. Proceso Alcala kung saan napunta ang 2 bilyong pisong pondo inilaan para sa pagkontra sa epekto ng El Niño sa mga lalawigan.