Anim na barangay sa Maynila ipina-lockdown ni Mayor Isko Moreno

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapatupad ng apat na araw na lockdown sa anim na barangay dahil sa dumadaming kaso ng COVID 19.

Sakop ng kautusan ang Barangays 185, 374, 521, 625, 675 at 837.

Pinirmahan ni Moreno ngayon umaga ang EO No. 07 para sa pagsasagawa ng disease surveillance, massive contact tracing and verification gayundin ang testing and rapid risk assessment sa anim na barangay.

Epektibo ang lockdown alas-12:01 ng madaling araw ng darating na Miyerkules, Marso 17 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Marso 20, araw ng Sabado.

Base sa datos mula sa Manila Health Department, 10 hanggang 22 COVID 19 cases ang naitala sa mga nabanggit na barangay.

Paalala ng alkalde, hindi maaring lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga residente ng isasarang barangay at tanging authorized person outside residence (APOR) lang ang maaring lumabas at pumasok.

Read more...