Naniniwala si Defensor, ang intervention ng pangulo ang pinakamabilis na paraan ng pagtatama sa aniya’y hindi makatarungang ginawa sa government nurses.
Bagama’t pwede anyang idaan sa lehislatura o sa korte ang bagay na ito, nag-aalala ang kongresista na baka matagalan bago mabaligtad ang demotion sa mga nurse.
Pinuna rin nito na nangyari ang demotion sa kritikal pang panahon na may pandemya kung saan ang mga nurse ang nasa harap ng laban kontra Covid-19.
Tinukoy ng mambabatas ang DBM Budget Circular na naglalayong ipatupad ang batas para sa nararapat na sahod ng mga nurse batay sa kautusan ng Korte Suprema.
Itinatakda ng Philippine Nursing Act na salary grade 15 o P33,000 dapat ang entry level pay ng mga pampublikong nurse.
Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa ito naipatutupad dahil sa nakasaad na reclassification sa DBM circular na nagsasabing hindi gagalawin ang suweldo ng ibang nurse pero tatamaan ang kanilang posisyon.