‘100 day summer offensive’ laban sa COVID 19 dapat ikasa ng gobyerno – Recto

Sa paggunita ng isang taon na pakikipaglaban ng gobyerno laban sa COVID 19, hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Malakanyang na pasimulan ang isang ‘summer offensive’ laban sa nakakamatay na sakit.

“We remember the dead and recognize the heroes, but the best way to honor them is for government to arm for a final push against the virus that will end the stalemate and turn the tide in our favor,” sabi nito.

Aniya ang sinasabi niyang 100-day summer offensive at maaring ikasa simula sa susunod na buwan hanggang sa Hunyo sa pamamagitan nang malinaw na target ng mga babakunahan, ang tunay ng bilang ng mga darating na bakuna at kung saan panig ng bansa dadalhin ang mga bakuna.

“We need a battle plan that will not only unify the nation, but will lift our spirits and assign us the role we have to play. This is the clear tunnel vision we need,” sabi pa ni Recto.

Aniya ang tagumpay sa paglaban sa pandemya ang pinakamagandang maibabahagi ni Pangulong Duterte sa kanyang huling state of the nation address o SONA sa Hulyo.

Read more...