Ayon kay Castelo, dapat isantabi na muna ang anumang usapin at isyu sa pulitika at sa halip ay harapin muna ang tumataas muli na bilang ng kaso ng COVID-19.
Paliwanag nito, nakasisira ang pulitika sa paglaban ng bansa sa iisang kaaway- ang pandemya.
Kung magpapatupad ng moratorium sa pulitika ay mas magkakaroon ng focus ang pamahalaan sa paggamit sa mga resources at efforts kung paano tutugunan ang problemang isang taon nang nagpapahirap sa bansa.
Paalala pa ng mambabatas, ang paglaban sa COVID-19 ay hindi lamang trabaho ng health sector kundi ito ay responsibilidad din ng mga nakaupo sa pwesto.
Binigyang diin pa ng kongresista na mas dapat iprayoridad ngayon ng mga opisyal ang pagtugon sa biglang pagtaas nanaman ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at pagpapabilis sa rollout ng bakuna.