Tiniyak ng Department of Transportation na patuloy ang ginagawang pag-disinfect sa loob ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3.
Sa statement ng DOTr, sinabi nito na ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasahero ng MRT-3 ay kanilang prayoridad.
“The safety and health of MRT-3 passengers will always be our top concerns as we all adjust to meet the requirements of the new normal,” sabi sa statement ng DOTr.
Ito ay kasunod ng video na inupload sa social media kung saan makikita ang madaliang pag-disinfect ng mga tauhan ng MRT-3 sa loob ng isa nilang tren.
Ginawan nila ito ng aksyon at nahaharap na sa kaukulang disciplinary action ang taong sangkot.
Nakasaad sa pahayag, “We are assuring the riding public that matters have been taken to prevent a repeat of that unfortunate incident and that the personnel involved are now facing disciplinary action.”
Iginiit din ng pamunuan ng MRT-3 na hindi nila kinukunsinte ang paglabag sa health protocols na ipinapatupad para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“The MRT-3 management will not tolerate any breach of health protocols as we stem the spread of COVID-19 while serving the daily transportation needs of commuters. We have sternly reminded members of our cleaning and disinfection staff that while there is a need to disinfect all train coaches at speed, the process of disinfection must be focused and done with care,” sabi pa sa pahayag ng DOTr-MRT-3.