Sinibak sa pwesto ni Philippine National Police officer-in-charge Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang hepe ng Calbayog City Police Station intelligence unit.
Ito ay matapos sumulat si Police Lieutenant Fernando Calabria sa korte para humingi ng listahan ng mga abogado na tumutulong sa mga personalidad na identified sa Communist Party of the Philippines.
Ayon kay Eleazar, inatasan si Calabria na gumawa ng comprehensive report sa sitwasyon ng communist insurgency sa Samar.
Pero sa pagsusumikap ni Calabria na makagawa ng report, nakagawa naman ito ng breach of policy.
Pinaiimbestigahan na aniya si Calabria kaugnay sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES