Bulkang Taal nakapagtala ng 55 volcanic earthquake

screengrab from Phivolcs

Aabot sa 55 volcanic earthquake ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs 49 volcanic tremors ang naitala at karaniwang tumatagal ng  2.5 minuto.

Umaabot sa 400 hanggang 500 metro ang taas ng white plume na ibinubuga ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs, umabot sa 582 tonelada ang sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan.

Nanatiling nasa alert level 2 ang Bulkang Taal.

Bawal pumasok ang mga residente sa permanent danger zone ng bulkan.

 

Read more...