Heneral, itinangging nakibahagi sa ‘meeting of the generals’ sa Cubao

military-civilian-handshakeNanindigan si AFP Inspector General Maj. Gen. Oscar Lactao na hindi siya kabilang sa tinaguriang ‘meeting of the generals’ sa isang hotel sa Cubao, Quezon City kamakailan.

Ayon kay Lactao, nagulat siya dahil nabigyan ng malisya o kulay politika ang pagpunta niya sa Novotel sa Araneta Center gayung may kinatagpo lang siya na isa rin opisyal ng Philippine Army.

Sinabi pa nito na nakapagpaliwanag na siya kay AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri.

Samantala, sinabi naman ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na sakaling may pormal na magreklamo laban sa tatlong police generals na nakipagpulong diumano sa isang senior staff ng isang presidentiable at lumabas na sangkot ang mga ito sa ‘partisan politics’ ay sisibakin sa puwesto ang mga ito.

Gayunman sinabi din ni Marquez na dapat ay may ebidensiya na magpapatunay na politika ang napag usapan sa pag uusap ng mga heneral.

Bukas na ang deadline para sa pagpapaliwanag nina Police Director Generoso Cerbo Jr., police Chief Supt. Ronald Santos at police Chief Supt. Bernardo Diaz.

Read more...