Arestado ng mga elemento ng Southern Police District ang tatlo katao makaraang makuhanan ng aabot sa P25 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Muntinlupa City.
Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Akmad Hassan Bagal, Halil Sulaiman Said at Kamar Bayantol Marham.
Ayon kay Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng SPD, naaresto ang tatlo sa operasyon ng Special Operations Unit at Anti-Illegal Drugs group sa Civic Drive, Alabang, Muntinlupa City.
Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang aabot sa limang kilo ng shabu na may street value na 25 milyong piso.
MOST READ
LATEST STORIES