Mr. Politician caught in the act, Misis nagwala sa sortie-Wacky Leaks ni Den Macaranas

 

Nagpapatupad ng news blackout ang kampo ng isang kandidato tungkol sa naganap na pagwawala ng misis ng isang kilalang pulitiko sa isang sortie sa isang bayan sa Visayas.

Naganap ang sinasabing mala-teleseryeng eksena nang mahuli ni misis ang kanyang kandidatong mister na sinusubuan ng pagkain ng kanyang maganda at mestisang staff na inirekomenda naman ng isang kaalyado kuno.

Nasa aktong namumungay pa ang mga mata ni mister politician habang halos ay nakakandong na sa kanya ang seksing staff nang biglang pumasok sa silid si Ma’am.

Huling-huli niya ang eksena na animo’y mga naglalambingang mag-dyowa sa Luneta.

Natural na mag-react kaagad ang matapang na Misis at akto niyang susugurin ang babae ng pumagitna si Mr. Politician.

Naawat kaagad ang animo’y nagwawalang toro na si Misis habang ang babae naman ay kaagad na inilabas sa silid ng iba pang mga staff ni Sir.

Kaagad na isinara ni Mr. Politician ang pinto ng silid at doon niya pinakalma at nilambing ang nagwawalang esposa.

Hindi ngayon ang tamang panahon na mag-away ang dalawa dahil kritikal ito sa political future ni Sir.

Paano nga namang hindi magwawala si Kumander eh kamakailan lang ay naging laman din ng mga balita ang naging relasyon ni Mr. Politician sa isang younger sister ng isang Mayor sa bandang Mindanao.

Kaya naman pala na-appoint sa isang Government Owned and Controlled Corporation bilang Board Member ang nasabing Girl ay dahil Chi-Ching ito ni Sir.

Hanggang sa mga unang araw ng kampanya ay kasama pa ang nasabing Chicks ni Bossing kaya naman nagpasya na si Misis na samahan sa mga sorties si Mr. Politician.

Ang ating bida sa kwentong ito ay parehong sikat.

Mataas ang pangarap ni Sir sa pulitika samantalang si Ma’am naman ay may sarili ring pangalan sa kanyang industriyang ginagalawan.

Read more...