Execution ng drug convicts, itutuloy na uli ng Indonesia

 

Mula sa inquirer.net

Naghahanda na ang Indonesia upang isalang sa bitay ang iba pang mga nahatulan sa ibat ibang drug cases sa kanilang bansa.

Ayon kay Attorney General Muhammad Prasetyo na pinag-iisipan na lamang ng kanyang tanggapan ang petsa kung kailan ipatutupad ang firing squad sa mga ito.

Ayon sa ilang ulat, nakahanay sa execution ang sampung foreigners kabilang ang apat na Nigerian, dalawang Malaysian dalawang Amerikano, isang taga-Zimbabwe at isang mula sa bansang Senegal.

Sakaling matuloy na, ito na ang ikatlong serye ng execution sa ilalim ng pamumuno ni Indonesian President Joko Widodo.

Matatandaang noong nakaraang taon, 14 na mga dayuhan ang isinalang sa firing squad.

Nakaligtas naman sa kamatayan ang Pinay na si Mary Jane Veloso makaraang ipagpaliban ang pagbitay dito ng gobyerno ng Indonesia.

Read more...