PNP Chief Sinas, nagpositibo sa COVID-19

Maging si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ay hindi nakaligtas sa COVID-19.

Kinumpirma ni Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana, tagapagsalita ng PNP, na nagpositibo sa nakakahawang sakit ang hepe ng pulisya.

Asymptomatic si Sinas at maayos ang kondisyon.

Hinikayat ng PNP chief ang mga nagkaroon ng contact sa kaniya sa bantayan ang kanilang kondisyon.

Batay sa huling datos, nasa 671 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, 11,193 ang gumaling habang 32 ang nasawi.

Read more...