“If the agency will not be able to do so, it will only add to the public’s suspicion that it may be at the behest of the China-backed third telco. Hawak sa leeg din ba ng Tsina ang sarili nating ahensiya?” tanong ni Hontiveros.
Ang 25-year franchise extension ng itinuturing na third major telco sa bansa ay naaprubahan na ng Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.
Ito ay sa kabila ng alegasyon
ng Democracy.Net.Ph na depektibo ang unang network audit na isinagawa nitong Pebrero sa Dito.
Sinabi ni Democracy.Net.Ph co-founder Pierre Galla na pinayagan ng NTC ang sampling ng limitadong bilang ng mga barangay upang matukoy kung nakatugon ang DITO sa first year commitment
nito sa gobyerno.
Ayon kay Galla, sa halip na i-test ang mahigit sa 8,800 barangays upang mapatunayan kung natupad ng DITO ang pangako nito sa unang taon na i-cover ang 37 percent ng populasyon ng bansa, pinayagan ng NTC ang sampling sa 2,671 barangays lamang.
Aniya, ang field tests ay isinagawa rin sa 200 cell sites mula sa 1,602 active sites ng DITO.
Kayat nagdududa si Hontiveros na napaboran ang Dito na sa bidding at auditing dahil kaalyado ng administrasyon ang mga may-ari ng Dito.
Nakalusot sa komite ang franchise renewal application sa paniniwalang may kakayahan ito ng magbigay ng dekalidad na serbisyo.
Wala pa rin sagot ang Dito sa alegasyon sa kanila.