PCG, namahagi ng relief goods sa 50 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa Bulkang Taal

PCG photo

Binisita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 50 pamilya na nawalan ng tirahan sa bahagi ng Barangay Aya sa Talisay, Batangas.

Namahagi ang PCG ng pagkain at ilang pangunahing pangangailangan kasunod ng patuloy na pagtaas ng alert level ng Bulkang Taal.

Magkatuwang sa relief operation ang PCG District Southern Tagalog, PCG Station Batangas, PCG K9 Field Operations Unit – Southern Tagalog, Special Operations Unit – Southern Tagalog at PCG Auxiliary.

Kasama rin sa relief operation ang Rotary 101, at local government unit ng Talisay.

Read more...