Lima pang overseas Filipinos, naka-recover sa COVID-19

May apat na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 11, nasa 15,874 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,280 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Lima naman ang bagong gumaling kung kaya 9,553 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala muling bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,041 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,880 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,144 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 889 naman ang kaso sa Americas at 2,961 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...