LPA magdadala pa rin ng pag-ulan sa Visayas, Mindanao; Amihan, umiiral sa Luzon

Photo credit: DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, huling namataan ang LPA sa layong 140 kilometers Timog-Silangan ng General Santos City bandang 3:00 ng hapon.

Maliit pa rin aniya ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa mga susunod na araw.

Nakakaapekto aniya ang sama ng panahon sa Bicol region, Visayas at Mindanao.

Babala nito, lalo na sa mga flood prone area, maging alerto sa posibleng epekto ng pag-ulan dala ng LPA.

Samantala, umiiral naman ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila.

Asahan aniya ang maaliwalas na panahon sa Luzon maliban na lamang sa mahihinang pag-ulan.

Sa ngayon, walang nakataas na gale warning sa bansa.

Read more...