Isasailalim sa granular lockdown ang ilang bahagi ng Mandaluyong City.
Sa abiso ng Mandaluyong Public Information Office, sakop ng lockdown ang Zones 4, 5 at 9 sa Block 41, Barangay Addition Hills.
Magsisimulang ipatupad ang lockdown bandang 12:00, Biyernes ng madaling-araw (March 12), hanggang 12:00, Huwebes ng madaling-araw (March 18).
Magsasagawa ng contact tracing at COVID-19 testing sa mga residente ng nabanggit na lugar upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.
Alinsunod ito sa inilabas na Executive Order 32, series of 2021 ni Mayor Carmelita Abalos.
Sa kasagsagan ng lockdown, hindi papayagang lumabas ng kani-kanilang tahanan ang mga residente sa nasabing lugar.
Maliban na lamang ito kung may medical emergency at mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR).
Papayagan din ang isang miyembro ng pamilya para bumili ng mga pangunahing pangangailangan at vendors na pwedeng mag-operate sa ilalim ng mga panuntunan ng IATF.
Istriktong ipatutupad ang safety health protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield, at social distancing.