Ilang lugar sa Visayas, uulanin bunsod ng LPA

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Visayas.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 5:00, Huwebes ng hapon (March 11), ito ay dulot pa rin ng low pressure area (LPA).

Makararanas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Guimaras, Iloilo, Antique at Capiz.

Iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Dahil dito, nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...