Mga public space sa UP Diliman, isasara simula March 12

Isasara sa publiko ang lahat ng public spaces sa University of the Philippines – Diliman.

Batay sa abiso ng pamunuan ng unibersidad, epektibo ito simula 4:00, Biyernes ng hapon (March 12) hanggang Linggo ng gabi at ipatutupad hanggang sa susunod na abiso.

Kabilang dito ang buong Academic Oval, College of Human Kinetics, PAUW-UP Child Study Center, Natuonal Science Complex, bike routes.

“This is a health and safety measure amid the surge in cases in UPD associated with COVID-19 and its new variants,” paliwanag ng unibersidad.

Papayagan naman ang mga campus resident na makapagsagawa ng outdoor exercises sa loob lamang ng kanilang purok.

Hinikayat din ang lahat na sundin ang safety health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, at physical distancing.

Read more...