Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa rekomendasyon ng mga senador na sibakin si Parlade sa naturang puwesto dahil labag ito sa batas.
Ayon kay Roque, mas makabubuting si Lorenzana na ang magdesisyon kaugnay sa naturang isyu.
Katwiran naman ni Lorenzana, walang nilalabag na probisyon si Parlade sa 1987 Constitution.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Lorenzana na kung tatanggalin si Parlade sa NTF ELCAC, dapat na tanggalin na rin ang Armed Forces of the Philippines.
“Kami ang involved diyan. We are involved here. Kung tanggaling mo ‘yang si General Parlade ay tanggalin mo na rin kami diyan, ‘yung Armed Forces,” pahayag ni Lorenzana.
Pinamumunuan ang NTF-ELCAC ng PNP at AFP.
Nakasaad sa Article 16, Sectin 5, Paragraph 4 ng Konstitusyon na bawal ang sino mang miyembro ng AFP na aktibo pa sa serbisyo na ma-appoint o maitalaga sa anumang civilian position sa gobyerno.