BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 607,048 na; Higit 3,000 ang nadagdag

Lumagpas muli sa 3,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (March 11), pumalo na sa 607,048 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 47,769 o 7.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,749 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.4 porsyento ang asymptomatic; 0.77 porsyento ang moderate; 1.6 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 63 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 12,608 o 2.08 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 406 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 546,671 o 90.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...