Tumamang lindol sa Zambales, ibinaba sa magnitude 5.1; Aftershocks, asahan – Phivolcs

(UPDATED) Ibinaba sa magnitude 5.1 ang tumamang lindol sa Zambales, Huwebes ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 71 kilometers Southwest ng Santa Cruz.

Naramdaman ang malakas na pagyanig bandang 3:24 ng hapon.

May lalim itong 15 kilometers at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala ngunit asahang makararanas ng aftershocks.

Read more...