Higit 200 pang residente sa Maynila, nagpositibo sa COVID-19

Karagdagang 213 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (March 11), sumampa na sa 29,892 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,206 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 206 active cases.

Sumunod dito ang Malate na may 164 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 156 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 27,866 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 820 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...