Higit 9,000 sundalo, nabakunahan na kontra COVID-19

AFP photo

Mahigit 9,000 na mga sundalo na ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na Sinovac vaccine na gawa ng China ang itinurok sa mga sundalo.

Aabot sa 100,000 doses ng Sinovac ang ibinigay ng pamahalaan ng China sa Armed Forces of the Philippines.

Tinatayang 25,000 na sundalo pa ang babakunahan sa mga susunod na araw.

Aminado si Lorenzana na marami sa mga sundalo ang ayaw na magpabakuna noong una subalit nabago ang pag-iisip dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Maaring natakot ang mga sundalo na matamaan ng COVID-19 kung kaya nagpasyang magpabakuna.

Read more...