OHCHR, pinakakalma ng Palasyo ukol sa ‘Bloody Sunday raid’

Photo grab from PCOO Facebook video

Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang ang United Nations Human Rights Office matapos kilabutan nang mapatay ng mga pulis at sundalo ang siyam na aktibista sa magkakahiwalay na operasyon sa CALABARZON.

Sa pahayag kasi ni OHCHR spokesperson Ravina Shamdasani, sinabi nito na labis na nag-aalala ang kanilang hanay dahil indikasyon ito ng karahasan, pananakot, harassment, at red tagging sa human rights defenders.

Ayon kay Roque, walang dapat na ikabahala ang OHCHR dahil ongoing na ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Hindi aniya kinukunsinti ng administrasyon ang walang habas na patayan at anumang uri ng mga pang-aabuso.

Malinaw naman aniya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at sundalo na huwag mag-atubiling idepensa ang sarili lalo na kung armado ang mga kalaban.

Sa ngayon, may binuo ng task force ang Department of Justice na mag-iimbestiga sa pagkasawi ng siyam na aktibista.

Read more...