Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,632,074 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 542,191.
Sumunod na rito ang Brazil na may 270,917 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 192,488 naman ang death toll sa Mexico habang 158,213 ang napaulat na nasawi sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 124,987
– Italy – 100,811
– Russia – 90,275
– France – 89,565
– Germany – 73,276
– Spain – 71,961
– Iran – 60,928
– Colombia – 60,773
– Argentina – 53,359
– South Africa – 51,015
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 118,638,190 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 94,251,086 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.