Sa inilabas na Memorandum Circular No. 01-2021, ito ay bigyang-daan ang isasagawang disinfection, cleaning at sanitation sa mga gusali sa SC.
Epektibo ito simula mula sa Huwebes, March 11, hanggang Linggo, March 14.
“Committees with previously scheduled meetings may be allowed to proceed depending upon the discretion of the Chairperson or Head of the Committee,” saad nito.
Dagdag pa nito, “Urgent matters should be attended to by the concerned Chiefs or Heads of Offices, who are expected to be reached at any time of the day.”
Kailangan namang mag-report sa trabaho ng mga on-duty personnel ng Medical and Dental Services (skeletal force), Security and Maintenance Divisions, Office of Administrative Services-Supreme Court sa nasabing mga petsa.
Epektibo sa March 15 hanggang 19, 2021 lahat ng opisina ay kailangang manatilihin ang skeletal force nang 50 porsyento upang masunod ang physical distancing.