‘Bloody Sunday,’ patunay ng hindi pagpapahalaga sa karapatang-pantao- Sen. de Lima

Pamantik-KMU photo

Nararapat lang na kundenahin hindi lang ng sambayanang Filipino, kundi ng buong mundo ang pagkakapatay sa siyam na aktibista noong nakaraang araw ng Linggo.

Ito ang sinabi ni Sen. Leila de Lima at aniya dapat pansinin na nangyari ang mga pagpatay dalawang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte sa awtoridad na tiyakin mamamatay ang mga rebeldeng komunista sa bansa.

“Whether it’s drugs, insurgency, COVID-19 or poverty, he [Duterte], indeed, governs through violence and killings. 2016 pa lang, pumapatay na ang rehimeng ito. Duterte’s latest marching order is just a reiteration and a reminder of his long-standing policy of brutally eliminating perceived enemies,” sabi ng senadora.

Dahil dito, hinihiling ng nakakulong na senador ang makatotohanang imbestigasyon sa pagkakapatay at pag-aresto sa mga aktibista sa Laguna, Batangas, Rizal at Cavite.

Puna pa ni de Lima nangyari ang pagpatay sa Timog Katagalugan, na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng AFP – Southern Luzon Command na pinamumunuan ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Binanggit din nito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa United Nations na pinahahalagahan niya ang karapatang-pantao, na ayon sa senadora ay kabaligtaran sa utos nitong: “Kill them. Finish them off. Don’t mind human rights.”

Read more...