Mga estudyante mas mahihirapan sa ‘sagot for sale’

Dismayado ang mga kinatawan ng CIBAC Partylist sa Kamara sa ibinunyag ng Department of Education na ‘Sagot for Sale’ na kanilang natuklasan.

Ayon kina Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at Rep. Domingo Rivera hindi mapakikinabangan ng mga estudyante sa katagalan ang “Sagot for Sale” scheme.

Sabi ni Villanueva, isang malinaw na pandaraya at pangungunsinti sa panig ng mga magulang ang ‘sagot for sale’.

Aniya, ang mga mag-aaral lamang din ang mahihirapan sa epekto nito dahil nakokompromiso ang kanilang pagkatuto at pagunlad.

Nakiusap naman si Rivera na bagamat naiintindihan nila ang hirap sa bagong set up ng pagaaral na sinabayan pa ng mga problema dulot ng pandemya ay hindi ito lisensya para gawing madali at balewalain ng mga magulang ang pagkatuto ng mga anak.

Umapela ang kongresista sa mga magulang na mas mabuti pang ilaan na lamang sa ibang pangangailangan ang ibabayad sa mga sumasagot sa modules ng mga anak.

Batay sa assessment ng DepEd sa pagkatuto ng mga mag-aaral, lumalabas na 99.13% ng mahigit 14 milyong magaaral sa public schools ang pasado sa unang quarter ng school year kung saan hindi pa kasama dito ang mga estudyante mula sa National Capital Region (NCR), Region 7 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Read more...