Walang PR investigation sa Calabarzon incident ayon sa Malakanyang

Pamantik-KMU photo

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi pagpapapogi lamang ang ginagawang imbestigasyon sa napatay na siyam na aktibista sa Calabarzon.

Ito ay matapos kwestyunin ang ginawang operasyon ng mga pulis sa mga militante na umano’y nanlaban.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang PR investigation o press release na imbestigasyon.

Giit pa ni Roque na walang imbestigasyon na ginagawa para sa public opinion lamang.

Lahat aniya ng imbestigasyon ay mayroong sinumpaang katungkulan na ipatupad ang Saligang Batas na nagbibigay proteksyon sa karapatang mabuhay.

“Wala pong imbestigasyon conducted only for public opinion. Lahat po ng ating mga imbestigador mayroon pong sinumpaang katungkulan na ipatupad ang Saligang Batas na nagbibigay proteksiyon sa karapatang mabuhay at ang ating mga umiiral na batas at ang murder po ay krimen. So, huwag po kayong mag-alala dahil mayroon po tayong sinumpaang katungkulan. Wala pong PR na investigation lamang, ” pahayag ni Roque.

Read more...