Iba’t-ibang grupo nagkaisa para gabayan ang mga nais magnegosyo

Nagsanib-puwersa ang Junior Chamber International (JCI) Philippines at StartUp Village upang matulungan at mabigyan ng tamang gabay ang mga nais na magnegosyo.

Isang Memorandum of Agreement (MOAO) ang nilagdaan nina JCI 2021 National President at Tingog party-list second nominee Jude Avorque Acidre, StartUp Village Chairman Jay Bernardo, at President Carlo Calimon para rito.

Ang proyekto ay bahagi ng Forty Under 40 program ng JCI, isang nonprofit organization na binubuo ng mga indibidwal na edad 18 hanggang 40 na handang humarap sa mga hamon na dumarating sa lipunan.

Layunin ng proyekto na mabigyan ng tamang gabay ang mga nais magnegosyo upang maging mga responsableng negosyante ang mga ito.

Ang pagtuturo ay idaraan sa virtual classes at group/individual mentoring ng mga eksperto mula sa iba’t ibang industriya at academe.

Ayon kay JCI President Acidre dapat maging handa ang mga batang lider na harapin ang pagsubok na dala ng COVID-19 pandemic at tumugon sa pangangailangan ng lipunan.

“The crisis brought about by the COVID-19 pandemic has become a providential period of catharsis, of transformation, as we prepare ourselves for the greater challenges ahead. Now more than ever, young leaders need to better ourselves and improve our capacity to create and sustain innovative solutions to everyday community problems,” saad ni Acidre.

Read more...